Umabot sa 183 billion pesos ang binayarang utang ng pamahalaan nuong Marso.
Ayon sa Bureau of the Treasury, tatlong beses na mas mataas ang pagbabayad ng national government sa nasabing buwan kumpara nuong Pebrero.
Gayunman, mas mababa anila ito kumpara naman sa parehong panahon nuong nakaraang taon.
Ang 2.46% na pagtaas sa amortization, ang nagtulak sa pagtaas ng debt payments noong Marso.
Samantala, lumobo naman ang interest payments ng 81.9%.
Ang external payments ang bumubuo sa malaking bahagi ng kabuuang amortization.