Tiniyak mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tuloy-tuloy ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para sa sektor ng agrikultura, na nadatnan na nilang mahina at nababalutan ng maraming isyu.
Kabilang na aniya rito ang kakulangan ng suporta sa mga magsasaka at hindi matatag na presyo ng pagkain.
Sa kabila nito, sinabi ng Presidente na sa nakalipas na dalawang taon, nakapagtayo na ang pamahalaan ng 150 rice processing plant at target na matapos ang dalawampung iba pa ngayong taon.
Bukod pa rito, sisimulan na rin ang limampu pang rice processing plant bilang bahagi ng ginagawang pagsasaayos sa sektor ng agrikultura ng bansa.—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)