Home NATIONAL NEWS PNP, wala pang inilalabas na wanted poster para kay Bato Dela Rosa

31 patay, 10 nawawala, dulot ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa South Korea

by DWIZ 882 July 16, 2023 0 comment
KOREA FLOOD

Nasawi ang 31 na indibidwal habang nawawala naman ang 10 bunsod ng malakas na pag-ulan sa South Korea.

Ayon sa Interior Ministry ng South Korea, nagpapatuloy pa rin ang paghahanap nila sa mga nawawala na maaaring na-trap sa isang binahang tunnel.

Nabatid na kasalukuyang nasa peak ng summer monsoon season ang nasabing bansa kaya’t walang tigil sa pagbuhos ang ulan nitong mga nakaraang araw.

Naging sanhi rin ito ng pag-apaw sa isa sa mga pangunahing dam sa nabanggit na bansa.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment