Nakatutok ang mga tauhan ng Bureau of Immigration sa mga pekeng marriage certificates na pinapagamit sa mga biktima ng human trafficking.
Ito ay matapos mahuli ng mga Immigration officers ng Ninoy Aquino International Airport ang isang babae na biktima ng human trafficking.
Naharang ang biktima sa NAIA Terminal 3 bago siya makasakay sa eroplano patungo ng Kuala Lumpur.
Kahina-hinala umano ang iprinisintang Certificate of Marriage ng biktima na katunayan ng kasal sa isang Chinese, na kaniyang kikitain umano sa Phom Penh, Cambodia.
Napansin rin ng inspectors na madaming hindi nagtutugma sa mga pahayag ng biktima at kakulangan sa iba iprinisintang mga dokumento.
Kinalaunan, inamin ng biktima na isang fixer ang responsable sa pagproseso sa kaniyang biyahe.
Nagbabala si Tansingco na sa publiko na huwag magpauto sa ganitong uri ng modus na maaari lamang nilang pagsisihan sa huli.