Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Petisyon para sa dagdag-sahod ‘di pa napapanahon, kampanya vs. hoarders paigtingin —Tanjusay

by DWIZ 882 January 25, 2021 0 comment
Alan Tanjusay Facebook

Bukas na bukas sa paghahain ng wage increase petition ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Subalit, inamin sa DWIZ ni TUCP Spokesman Allan Tanjusay na hindi pa napapanahon ang paghahain ng petisyon sa dagdag-sweldo dahil maraming kumpanya ang sarado pa.

Sa halip, ipinabatid ni Tanjusay na nakikiusap sila sa Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin ang kampanya ng gobyerno laban sa mga hoarders na siyang nagpapataas ng presyo ng bilihin kaya’t nahihirapan ang mga manggagawa na mag budget para sa kanilang pamilya.

Malinaw aniyang harap-harapan ang paglabag ng traders sa price freeze na pinaiiral.

Meron kaming pakiusap kay Pangulong Duterte na ibibigay namin sa kanya sa pamamgitan ng sulat. Pangunahing nilalaman ng sulat ay paigtingin ang kampanya ng gobyerno laban sa profiteering, sa mga nagho-hoard,” ani Tanjusay. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment