Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Unang ‘Simbang Gabi’ sa Vatican pangungunahan ni Pope Francis

by DWIZ 882 December 8, 2019 0 comment
pope-francis

Pangungunahan ni Pope Francis ang unang araw ng tradisyunal na Aguinaldo Mass o ‘Simbang Gabi’ para sa mga Filipino sa Roma.

Ayon sa report na inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), mangunguna ang santo papa sa Simbang Gabi sa Disyembre 15 sa St. Peter’s Basilica sa Vatican.

Kasama nito ang nasa isangdaan at labinglimang pari bilang mga concelebrators.

Nasa 7,500 katao lamang ang papayagang makapasok sa Basilica dahil sa limitado ang seating capacity nito.

Ito ang kauna unahang pagkakataon na isang Santo Papa ang magiging celebrant ng Simbang Gabi sa Vatican.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment