Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

NBI ‘multi-purpose clearance’ ilalarga na simula sa Oktubre

by DWIZ 882 September 14, 2017 0 comment
nbi

Ilalarga na ng National Bureau of Investigation simula Oktubre 2 ang kanilang   Multi – Purpose  Clearance bilang tugon sa programa ni Pangulong Rodrigo Duterte na padaliin ang pagkuha ng mga government document.

Inihayag ni NBI Deputy Director for Information and Communications Technology Service Jose Yap sa programang ‘Balita Na, Serbisyo Pa’,  na  maaari nang magamit ang multi-purpose clearance kahit sa anong requirements.

Sa ilalim nito, pinag-isa na  ang pagkuha ng naturang clearance para sa pag-biyahe abroad, local employment, pagkuha ng firearms, business at naturalization.

Fix rate anya  ang pagkuha ng nasabing clearance sa presyong 115 pesos  pero  makakaroon lamang ito  kung  online payment.

Samantala, plano naman ng ahensya na magkaroon ng NBI clearance renewal card.

SMW: RPE

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment