Masusing sinusuri ng BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga inaangkat na tilapia fingerlings sa bansa. Ito ay bilang pag-iingat sa posibleng pagpasok sa bansa ng bagong tuklas na virus na namemeste sa mga tilapia sa ibang bansa. Ang nasabing virus ay tinatawag na TILV o tilapia lake virus na kumalat sa mga bansang Colombia, Ecuador, Egypt, Israel at Thailand. Ang TILV ay nagdudulot sa tilapia ng pagkasugat sa mga balat, pagkakatanggal ng kaliskis, malabong mga mata at pagkamatay. Bagaman, sinabi ng food and agriculture organization ng United Nations na walang masamang epekto sa tao kung makakakain ng tilapia na may TILV. Posibleng maging dahilan naman ito ng pagkaubos ng mga cultured at wild tilapia sa mga apektadong lugar. By Krista de Dios BFAR nakatutok laban sa tilapia lake virus was last modified: June 14th, 2017 by DWIZ 882Comments comments 0 comment 0 Facebook Twitter Google + Pinterest DWIZ 882 previous post AFP nagpakawala ng artillery fire sa Jolo next post Ariana Grande bibigyan ng honorary citizenship of Manchester You may also like 600 aftershocks naitala matapos ang M6.1 lindol... April 23, 2019 Pagpunta ni PRRD at Go sa isang... October 6, 2021 Mga Pinoy na walang tiwala sa China... July 20, 2019 Examiners ng PRC dapat isama sa vaccination... April 27, 2021 PAGCOR tiniyak na ipasasara ang lahat ng... February 19, 2020 COVID-19 cases sa bansa pumalo na sa... August 5, 2020 Deadline sa pagsusumite ng SALN pinalawig ng... May 2, 2021 Hulyo 20 idineklarang regular holiday ng Pangulong... July 15, 2021 1.5M bata pakakainin sa Nationwide Feeding Program ng... April 24, 2025 Ilang Senador suportado ang bantang pagdeklara ng... April 25, 2020 Leave a Comment Cancel Reply