Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Duterte coach ni Pacquiao sa rigodon sa Senado—Rep. Lagman

by DWIZ 882 March 1, 2017 0 comment

Itinuturo si Pangulong Rodrigo Duterte na nag-coach kay Senador Manny Pacquiao sa naganap na rigodon sa Senado.

Ito ang sinabi ni Minority Member Congressman Edcel Lagman matapos ang reshuffle sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Lagman na kung si Freddie roach ang coach sa boxing ni Pacquaio, coach naman niya si Pangulong Duterte sa balasahan sa Senado.

Ayon kay Lagman, marahil na may go-signal si Pacquiao mula sa Pangulo.

Katulad ng pangunguna ni Pacquiao noon sa pagpapabakante kay De Lima sa kanyang committee chairmanship, siya rin ang nag-move para ideklarang bakante ang posisyon ni Senador Franklin Drilon na Senate Pro Tempore.

By: Avee Devierte / Jill Resontoc

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment