Home NATIONAL NEWS Kasong plunder laban sa mag-inang Senador Loren Legarda at Batangas Representative Leandro Leviste, inihahanda na ng Ombudsman

Nasa 60 pang Pinoy, inilikas mula sa Libya

by DWIZ 882 June 6, 2015 0 comment

Tinaya sa 60 pang Filipino ang inilikas ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula Libya.

Dalawampu’t pito (27) sa mga ito ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng PAL Flight QR-932 kahapon habang ang 33 ay nakatakdang dumating bukas.

Ayon sa DFA, 25 mula sa 60 Overseas Filipino Workers (OFWs) ay naka-base sa Benghazi at eastern Libya habang ang 35 ay mula sa Western at Central Libya na inilikas noong June 3 at 4.

Dahil dito, umabot na sa 5058 Pinoy ang nakabalik o pabalik na ng Pilipinas habang tinaya sa 3,500 ang naiwan sa Libya sa kabila ng kaguluhan sa naturang bansa.

By Drew Nacino | Kevyn Reyes  

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment