Siniguro ng Department of Education (DEpEd) na bawat isang munisipalidad sa bansa ay magkakaroon ng senior highschool sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, ito ay upang masiguro na lahat ng mga estudyanteng matatapos sa junior highschool ay may mapapasukang senior highschool.
Aniya, sa ngayon ay mayroong halos 5,800 mga public highschool ang mag-ooffer ng karagdagang Grade 11 at 12.
Bukod pa sa higit 2,000 mga pribadong paaralan na binigyan ng permit ng DepEd na makapagturo sa senior highschool.
By Rianne Briones