takbo-web
EVENTS

Takbo ng Todong Lakas matagumpay na idinaos

0 220

Idinaos nang matagumpay ang isinagawang Fun Run 2016 ng Aliw Broadcasting Corporation (ABC) sa pangunguna ng DWIZ 882 at ng 97.9 Home Radio sa CCP Complex, Roxas Boulevard, Pasay City.

Tinawag itong ‘Pasasalamat at 25 : Takbo ng Todong Lakas bilang bahagi ng paggunita sa ika-25 anibersaryo ng DWIZ 882 at Home Radio.

Pinangunahan ito nina ABC President Josephine Reyes at ABC General Manager Randy Cabangon kung saan pinasalamatan nila ang lahat ng tumatangkilik sa mga programa ng DWIZ at Home Radio gayundin ang lahat ng lumahok sa naturang fun run.

Magpapatuloy rin aniya sa paghahatid ng mga napapanahong balita, serbisyo publiko at entertainment ang DWIZ at Home Radio .

Samantala, hinati sa tatlong kategorya ang fun run kabilang ang 10 kilometer, 5 kilometer at 2.5 kilometer.

Mahigit sa 700 ang nakiisa sa fun run at 18 ang nagwagi sa mga ito kung saan 6 na winners, tig-tatlong babae at lalaki sa bawat kategorya.

Para sa 2.5 kilometer men category, ang mga nanalo ay sina:

- Matthew Gonzales, 1st place
- Drake Manalabe, 2nd place
- Exequiem Duquesa, 3rd place

Ang mga babae namang nanalo para sa nasabing kategorya ay sina:

- Ena Abad, 1st place
- Wendy Yana, 2nd place
- Reyn Letran, 3rd place

Samantala, para naman sa 5-k category, ang mga nagwagi para sa mga lalaki ay sina:

- Jayson Gonzales, 1st place
- Roel Suarez, 2nd place
- Alex Credo, 3rd place

Habang ang mga babae namang nanalo sa naturang kategorya ay sina:

- Jenny Escueta, 1st place
- Zea Dayanara Lavarez, 2nd place
- Ma. Luz Agana, 3rd place

Para naman sa huling kategorya na 10K, ang mga lalaking nakasungkit ay sina:

- Marlon Reyes, 1st place
– Ned Rakala, 2nd place
– Ander Iza, 3rd place

Samantalang ang mga babae namang nagwagi sa nasabing kategorya ay sina:

- Cindy Lorenzo, 1st place
- Leonesa Larenio, 2nd place
- Delia Majam, 3rd place

Binigyan ng medalya ang mga nagwagi.

Naiuwi rin naman ng mga lumahok ang saya at karanasan sa makasaysayang fun run.

By Allan Francisco 

Photo Credit: Ms. Josephine Reyes/ Facebook

More from Events

Comments

comments

About the author / 

DWIZ 882
DWIZ 882

NEWS ARCHIVE


       
DWIZ 882 is home to some of the top broadcasters and columnists in the country today. Weekdays start with a dynamic lineup that delivers fresh news, credible and accurate reportage as gathered by its fully organized newscenter.