Ipinromote ng Pilipinas ang world-class dive destinations nito sa diving, resort, and travel (DRT) show sa Beijing, China mula August 8–10, sa pangunguna ng Tourism Promotions Board (TPB). Tampok sa Philippine booth ang mga kilalang diving spots gaya ng Bohol, Romblon, Coron, at Anilao.
Isang highlight ng event ang Philippine Dive Night kung saan nagkaroon ng business-to-business meetings sa pagitan ng 16 na tourism stakeholders mula Pilipinas at mga Chinese buyers. Layunin nitong pasiglahin muli ang interes ng mga Chinese sa dive tourism ng bansa.
Ayon kay Tourism Attaché Rene Reyes, mahalaga ang pagbuhay ng kumpiyansa ng Chinese travelers, lalo’t umabot na sa mahigit 134,000 ang Chinese arrivals sa unang kalahati ng 2025.
Ipinagmalaki rin ni Ambassador Jaime Florcruz ang likas yaman ng Pilipinas na may higit 3,000 species ng isda at 480 klase ng corals, at hinikayat ang mga Chinese dive operators na makipagtulungan para sa sustainable dive tourism.
Patuloy ang suporta ng mga institusyong gaya ng PADI-China na kinikilala ang Pilipinas bilang isang “colorful diving destination.”