Matapos ang halos 15 taon, naganap na ang dream wedding ni Wilma Doesnt sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Gerick Livelo Parin.
Kahapon, March 24, nang idaos ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Tagaytay City na dinaluhan ng malalapit nilang kaibigan.
Present sa kasal ng dalawa ang mga aktres na sina Phoemela Barranda at Angelu De Leon, Cavite Governor Jonvic Remulla, Senador Bong Revilla at Cavite Representative Jon-Jon Ferrer.
July 2021 nang ibahagi ni Wilma sa kanyang instagram account ang video kung saan nag-propose sa kanya si Gerick.