Walang masama sa barter system.
Ito ang binigyang diin ni Albay Rep. Joey Salceda kasunod ng banta ng Department of Trade and Industry (DTI) na magpapatupad ito ng crackdown laban sa online barter trading na namamayagpag sa gitna ng community quarantine period.
Giit ni Salceda, ang barter trade ay kinikilala ng batas bilang isang uri ng sale o pagbebenta.
Sa ilalim ng barter system, pinapayagan ang palitan ng paninda nang hindi gumagamit ng pera o cash.