Naiintriga si Vice Pres. Jejomar Binay sa umano’y pagkambiyo ni Pangulong Noynoy Aquino sa isyu ng kung sino nga ba ang talagang nakapatay sa teroristang si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.
Ayon kay Binay, nagtataka siya kung bakit isiniwalat muli ni Aquino na ang PNP-Special Action Force nga ang nakapaslang kay Marwan gayung ito mismo ang nag-ungkat at nag-umpisa ng “alternative version” ng pagkamatay ng terorista.
Una nang lumutang ang mga alegasyon na hindi umano ang SAF commandos kundi ang mismong “aide” ni Marwan ang nakapatay dito.
Subalit, giit ni Binay, maaaring ang “alternative truth” ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang noo’y naiulat na awarding sana sa pamilya ng SAF 44 dahil nire-review pa umano ito.
By: Jelbert Perdez | via Allan Francisco