Bibisita ngayong buwan sa bansang Vietnam at Singapore si US Vice President Kamala Harris.
Sa kanyang pagbisita, nakatuon ang kanyang tatalakayain sa pagtanggol sa international ruling sa West Philippine Sea.
Ayon sa White House, gagawa ng paraan ang Bise Presidente upang magkaroon ng free passage of trade sa nasabing teritoryo.
Si Harris ang kauna-unahang bise presidente ng Amerika na bibisita sa bansang Vietnam.—sa panulat ni Rex Espiritu