Isiniwalat ni United States house speaker Nancy Pelosi na hindi na muling tatakbo bilang Congress Leader.
Ito ang inamin ni Pelosi sa mga kapwa nito mambabatas at pinili na lamang niya na maging isang kongresista.
Ipapaubaya na lamang nito ang posisyon sa mga maka-bagong henerasyon ng kapwa democrats nito.
Isinagawa ang anunsiyo matapos matalo ang democrats sa majority sa lower chamber sa katatapos na midterm elections.
Mababatid na naging lider si Pelosi ng dalawang dekada sa US House of Representative. —sa panulat ni Jenn Patrolla