Nilinaw ng Department of Health (DOH) na kasalukuyan pang nagpapagaling ang indibidwal na unang nagpositibo sa monkeypox virus sa Pilipinas.
Sinabi ni DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, na nanatili namang asymptomatic o walang sintomas ng nasabing sakit ang mga nakasalamuha ng pasyente.
Mababatid na isang 31 anyos na Pilipinong galing sa ibang bansa na dumating sa Pilipinas nitong Hulyo a-19 ang naitala na unang kaso ng naturang sakit sa bansa.