Itinaas na ng lokal na pamahalaan ng marikina sa unang alarma ang Marikina River dahil sa walang tigil na pag-ulan sa bansa.
Kaninang umaga, sumampa sa 15.5-meters mark ang lebel ng tubig sa ilog kung saan nasa ilalim na ito ng “warning alarm system” ng lungsod.
Dahil dito, binuksan na ang lahat ng walong gate ng manggahan floodway.
Samantala, sa oras na umabot ang lebel ng tubig sa 16-meter mark ay kailangan nang maghanda ng mga residente sa paglikas.
Ngunit kapag umabot na ito sa 17-meters o third alarm, maaari nang lumikas ang mga tao sa naturang lungsod.
Samantala, sinabi ng PAG-ASA na asahan ang moderate to heavy rains dulot ng Hanging Habagat.