Nagbabala si United Nations Secretary General Ban Ki-Moon laban sa posibleng panganib na idudulot ng ISIS sa South Asia.
Ito’y kasunod ng napaulat na nasa Asya na ang mga galamay ng ISIS tulad ng Tehreek-E-Khilafat sa Pakistan.
Sa report ni Ki-Moon kay Jeffrey Feltman, Under-Secretary-General for Political Affairs, lumalawak na umano ang koneksiyon ng grupo sa Afghanistan at Pakistan na nagiging banta na sa mga kalapit nitong bansa.
Matatandaang inako na ng Jihadist group ang pag-atake sa isang Pakistani consulate sa Jalalabad, Afghanistan noong January 13, 2016.
By Jelbert Perdez