Dapat nang itigil ang sisihan sa nangyaring marahas na dispersal sa mga nag-poprotestang magsasaka sa Kidapawan City sa North Cotabato.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni Agriculture Secretary Proceso Alcala at sa halip ay solusyunan na lamang ang hinaing ng mga magsasaka.
Sinabi ni Alcala na bukas ang kanilang tanggapan sa anumang tulong na dapat maibigay sa mga magsasakang nag-aalburuto dahil sa El Niño.
LISTEN: Bahagi ng pahayag ni DA Secretary Proseso Alcala
Humihingi din ng pang-unawa sa mga magsasaka si Alcala.
Sinabi sa DWIZ ni Alcala na handang-handa silang tulungan ang mga magsasaka na ang ilan sa mga ito ay nabigyan na rin naman nila ng ayuda.
Muling iginiit ni Alcala na hindi nagugutom ang mga magsasaka sa Kidapawan dahil sapat pa sa 14 na araw ang imbak na bigas sa bodega ng NFA.
LISTEN: Bahagi ng panayam kay DA Secretary Proseso Alcala
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)