Nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng Philippine National Police o PNP sa naulilang pamilya ng bagong panganak na pulis na nasawi dahil sa COVID-19.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, makaaasa ang naulilang pamilya ng 31 anyos na police investigator mula sa General Santos City ng kaukulang tulong at suporta para sa naiwan nitong sanggol na lalaki.
Agosto 5 nang magpositibo sa COVID-19 ang naturang pulis bago nito isilang ang kaniyang sanggol noong Agosto a-10, subalit nasawi rin ito ilang araw ang makalipas bago pa man lumabas ang ikalawa niyang RT-PCR test result.
Dahil dito, tiniyak ni Eleazar ang naangkop na tulong at suporta sa naulilang pamilya ng nasawing pulis lalo na sa kaniyang iniwang sanggol.
Samantala, pinatitiyak naman ng PNP Chief sa mga Police Commander na huwag i-deploy ang mga buntis nilang tauhan upang hindi sila maging bantad mula sa virus dahil lubang nakasasama ito para sa kanilang kondisyon— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)