Dinadayo ngayon sa Xinglong, China ang Bali Village bilang natatanging atraksyong kultural na naglalarawan ng buhay ng mga Chinese migrants na bumalik mula sa Timog-Silangang Asya.
Sa makukulay na tanawin, kakaibang kaugalian, at masasarap na pagkain na may halong Southeast Asian charm, ipinapakita rito ang buhay ng mga overseas Chinese matapos silang bumalik sa Tsina. Sa bawat tanawin at karanasan, makikita kung paano nila pinanatili ang mga tradisyon at alaala mula sa kanilang pamumuhay sa ibang bansa.
Hindi lang ito basta pasyalan. Isa itong makabuluhang lugar na nagsasalaysay ng mayamang kasaysayan at pamana ng mga Chinese na dating nanirahan sa Southeast Asia. Sa ganitong paraan, patuloy nitong pinagbubuklod ang kultura ng Silangan at Timog-Silangang Asya, at ipinapakita ang kahalagahan ng pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng dalawang rehiyon.