Tumaas sa 48% ang trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong nakaraang buwan.
Ayon sa datos mula sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations, tumaas ito ng 10% mula sa 38% noong Mayo.
Isinagawa ang survey noong June 25–29 sa isanlibo’t dalawandaang Pilipino sa buong bansa, sa 3% na margin of error.
Ayon kay Stratbase Group President Prof. Dindo Manhit, ang pagtaas ng tiwala sa Pangulo ay hudyat ng posibleng muling pagtanggap ng publiko sa kanyang pamumuno.
Samantala, tumaas naman ng 1 percent mula 60 percent hanggang 61% ang naitalang trust rating ni Vice President Sara Duterte sa kaparehong survey.