Nilinaw ni trade secretary Maria Cristina Roque na hindi pa lusot ang mga nagbitiw at magbibitiw na opisyal ng Philippine Contractors Accreditation Board sa imbestigasyon kaugnay sa sinasabing maanumalyang flood control projects sa bansa.
Ito’y kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni PCAB executive director, Atty. Herbert Matienzo at dalawang iba pang miyembro nito.
Kasabay nito, binigyang-diin ni secretary Roque na bagaman kailangang suspendihin at tanggalan ng lisensya ang mga kumpanyang sangkot sa anomaliya, hindi dapat maapektuhan ang mga lehitimong construction firm na nagsisilbing haligi ng industriya at ekonomiya.
Kaugnay nito, pinawi ng kalihim ang pangamba ng publiko at mga negosyante na magkaroon ng negatibong epekto sa business sector ang kontrobersya.