Dinampot ng awtoridad ang isang lalaki makaraang ireklamo ng kanyang pamangkin nang harangin siya at dalawang beses pang nagpaputok sa harap ng biktima sa Carmona City, Cavite.
Ayon sa awtoridad, naglalakad ang biktima galing sa kanilang sakahan nang harangin siya ng kanyang tiyuhin at komprontahin hinggil sa dati nilang alitan.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa inilabas ng kanyang tiyuhin ang isang kalibre 45 na baril at ipinutok ng dalawang beses sa lupa.
Narekober sa suspek ang ginamit na baril, dalawang magazine na may bala.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa alarm and scandal ang suspek na si alyas Nicanor dahil sa reklamo ng kanyang pamangkin na si alyas Edward.