Ang balakubak ay isang kondisyon sa anit na may kasamang sobrang pangangati at pagkatuklap ng balat.
Hindi naman ito nakakahawa at seryosong sakit ngunit ang pagkakaroon nito ay nakakabahala sa iba.
Maraming posibleng dahilan ang balakubak gaya ng dry skin, iritasyon, seborrheic dermatitis, psoriasis, eczema, hindi madalas na pag-shampoo, o pagiging sensitibo sa mga ginagamit na hair products.
Upang maiwasan, mag-shampoo ng regular o kaya’y gumamit ng mild o non-medicated shampoo kung malala na ang kaso ng dandruff.
Maaari rin itigil ang paggamit ng mga styling products na nagiging dahilan para maging malangis at oily ang buhok at anit.
Ang pagkain din ng masusustansyang pagkain na nagbibigay ng sapat na zinc at B vitamins ay makakatulong maiwasan ang balakubak.
Kung ang balakubak ay lumala o ang anit ay magkaroon ng iritasyon o sobrang pangangati, makabubuting kumonsulta na sa doktor.