Panahon na upang gawing mas maikli ang pag-aaral sa kolehiyo.
Ito ang inihayag ni Sen. Sherwin Gatchalian matapos ihain ang panukalang batas na naglalayong gawing tatlong taon lamang ang mga kurso sa kolehiyo na kalimitang kinukuha ng apat na taon.
Ayon kay Sen. Gatchalian, ang ganitong programa ay ipinatutupad na sa mga Commonwealth countries, tulad ng United Kingdom, Canada, at Australia.
Nakasaad sa inihaing panukala ng mambabatas na pagpasok ng isang mag-aaral sa kolehiyo ay diretso na ito sa mga major subjects ng kaniyang kurso.
Dahil ang mga general education subjects ay ibababa na sa Senior High School.
Paliwanag ni Sen. Gatchalian, mananatili ang K-12 program dahil sa 214 na bansa ay ipinatutupad na ito maliban sa bansang Singapore na nagpapatupad ng Junior College system.