Epektibo na ngayong araw ang tapyas-presyo sa produktong petrolyo matapos ang dalawang linggong dagdag-singil sa presyo ng langis.
Ayon sa kumpaniyang Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, at Shell, nasa 35 centavos ang magiging bawas-singil sa kada litro ng gasolina habang P1.10 centavos naman ang magiging tapyas-presyo sa kada litro ng diesel.
Aabot naman sa 45 centavos ang magiging bawas-singil sa presyo ng kada litro ng kerosene ng mga kumpaniyang Seaoil at Shell.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang paggalaw sa presyo ng langis ay kasunod ng anunsyo ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) at mga kaalyado ng OPEC+ na bawasan ng dalawang milyong bariles kada araw ang produksyon ng langis.
Nabatid na nito lamang October 18 hanggang 20, pumalo na sa P62.5 centavos hanggang P73.5 centavos ang presyo sa kada litro ng gasolina; P77. 50 centavos hanggang P83. 80 centavos naman ang presyo sa kada litro ng diesel; habang pumalo naman sa P80. 15 centavos hanggang P89. 40 centavos ang presyo sa kada litro ng kerosene sa bansa.