Marami ang nagagalit at nakikisimpatya ngayon sa biglaang pagpanaw ng isang Taiwanese flight attendant matapos magkasakit habang nagtatrabaho. Para palalain pa ang sitwasyon, nanghingi pa ang kumpanya ng pruweba na nag-sick leave ang F.A. matapos nitong bawian ng buhay.
Kung natanggap ba ng airline ang nasabing proof of sick leave, eto.
September 28 nang unang magkasakit ang 34-anyos na tawianese flight attendant ng EVA Airlines habang nasa duty sa isang flight mula sa Milan patungo sa Taoyuan, Taiwan. Agad naman itong dinala sa isang malapit na clinic matapos mag-landing pero mas lumala ang kalagayan ng babae pagkalipas lang ng ilang araw.
Matapos nito ay dalawang beses pang inilipat ng ospital ang F.A. Bago tuluyang pumanaw.
Bagama’t ilang araw nang absent sa trabaho dahil sa pagkaka-admit sa ospital, matapos pumanaw ng flight attenant ay nakatanggap pa ng message ang cellphone nito mula sa isang representative ng airline na nanghihingi ng proof of sick leave.
Ang pamilya ng yumao, nag-reply sa airline at sinend ang death certificate ng F.A.
Nakatanggap ng pambabatikos ang airline matapos isiwalat ng isa pang F.A. Na napilitang mag-trabaho ang kanilang katrabaho sa kabila ng kondisyon nito at overworked silang lahat na siya namang nag-ugat sa isinasagawa ngayong imbestigasyon ng airlines at ng mga otoridad.
Samantala, personal nang humingi ng tawad ang eva airlines sa pamilya ng pumanaw na F.A. at nilinaw na ang natanggap na text ng nasabing F.A. Ay pagkakamali lang ng isang internal employee.
Ikaw, bilang isang empleyado, ano ang opinyon mo sa kwentong ito?



