Babaha na ng supply ng bigas sa mga susunod na araw.
Ito ang tiniyak ng Malacañang sa harap ng nararanasang problema sa bigas.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, darating na sa bansa ang 150,000 metriko toneladang bigas na inangkat ng Pilipinas.
Maliban dito, sinabi ng kalihim na malapit na rin ang anihan ng mga magsasaka sa buwan ng Disyembre.
Kasabay nito, nanawagan ang Palasyo sa mga negosyante ng bigas na iwasan na ang mag-ipit ng supply ng bigas upang hindi makasuhan ng economic sabotage.
—-