Nanawagan ang National Movement for Free Elections (NAMFREL) sa Commission on Elections (COMELEC) na huwag nang gamitin ang Smartmatic.
Ito ang naging pahayag ng election watchdog kasunod ng naging rekumendasyon mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakalipas na linggo.
Una rito, inatasan ng pangulo ang poll body na maghanap ng iba pang provider ng mga makina sa eleksyon na aniya’y fraud – free dahil sa kaliwa’t kanang reklamong sumisibol tuwing halalan.
Ayon sa NAMFREL, dapat ipaubaya na lamang sa kamay ng mga Pilipino ang pagdaraos ng halalan sa bansa tulad ng pagkakasa ng hybrid manual – automated na sistema ng pagboto ng mga Pilipino.
Panahon na rin para sa NAMFREL na tangkilikin ng poll body ang galing at husay ng mga kapwa Pinoy partikular na ng mga I.T. professionals na magagamit nila tuwing eleksyon.