Umaasa si Senadora Grace Poe sa paborableng resulta ng gagawing botohan ng Senate Electoral Tribunal o SET.
Inihayag ito ng senadora isang araw bago pormal na pagbotohan ng SET ang disqualification case na inihain laban sa kanya.
Sinabi ni Poe, hangad niya ang isang moral at ligal na pasya ng SET lalo’t nakasasalay aniya rito ang kapakanan ng lahat ng tulad niyang ampon sa bansa.
Sa sandaling paboran, sinabi ni Poe na kaniya itong iaalay bilang tagumpay ng milyung-milyong Pilipino na nagluklok sa kaniya sa puwesto bilang senador ng bansa.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)