“Takot ako makulong dahil kawawa mga apo ko”.
Ito ang inamin ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa kasunod ng mga espekulasyon na nasa bansa na ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC).
Paliwanag ng senador, mabuti kung sa Pilipinas lamang siya ikukulong at hindi sa “The Hague Netherland”.
Giit ni Senador Dela Rosa, hindi naman lahat ng nakukulong ay may kasalanan at hindi naman siya takot kung talagang may nagawa siyang kasalanan. Ang ikinatatakot lang nya ay ang hindi makita ang kanyang mga apo.
Samantala, ikinatuwa ng senador ang muling paninindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na hindi makikipagtulungan at hindi papayagan ng pamahalaan ang pag iimbestiga sa bansa ng mga taga ICC. – sa ulat ni Cely-Ortega Bueno ( Patrol 19).