Na endorso na si dating Senador Panfilo Lacson ng dalawang political parties, ang Liberal Party at United Nationalist Alliance para sa kanilang senatorial line up.
Binigyang diin ito ni Senador Grace Poe matapos ilaglag si Lacson sa senatorial ticket ng kanilang tambalan ni Senador Francis Escudero.
Ayon kay Poe, strong at worthy candidate si Lacson subalit mas kinunsider niyang bigyan ng slot ang mga kandidato na walang sapat na resources.
Samantala, tumanggi naman si Poe na tukuyin kung tatanggalin na rin si OFW Advocate Susan Ople sa kanilang senatorial line up.
By: Judith Larino | Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)