Dalawang suspek ang arestado sa panghahablot ng cellphone ng pamangkin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Maynila.
Naglalakad ang biktima sa kanto ng Legarda at Mendiola Streets dakong 11 ng gabi nang harangin siya ng isang tricycle ng mga suspek na agad humablot sa kanyang cellphone.
Ayon kay NCRPO Chief, Maj. Gen. Vicente Danao, kagagaling lamang sa trabaho ng hindi pinangalanang biktima na agad nagreklamo sa pulisya at ipinakausap kung puwedeng marecover ang kanyang cellphone na ginagamit sa trabaho.
Nasakote naman ang mga suspek sa Tondo, Maynila matapos masangkot sa isang riot at narekober ang Iphone ng biktima.
Tumanggi nang magpa-interview sa media ang pamangkin ni Pangulong Duterte. —sa panulat ni Drew Nacino