Umatras na si senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa 2022 presidential elections.
Ito’y makaraang magsumite si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng substitution papers para sa pormal na pagtakbo sa pagka-bise presidente.
Ayon kay Dela Rosa, ang pagbawi niya sa kanyang kandidatura sa 2022 presidential elections ay desisyon ng kanilang partido na PDP-Laban.
Una nang inamin ng senador na handa siyang magparaya para kay Mayor Duterte – Carpio.—mula sa panulat ni Drew Nacino