Hindi sa ebola virus nasawi ang Pinay worker na si Mary Grace Handugan.
Ipinabatid ito ni Dr. Amil Adel ng Philippine Consulate sa Jeddah sa Saudi Arabia dahil hindi pa pumapasok ang nasabing sakit sa Saudi.
Nilinaw din ni Adel na kumplikasyon sa sakit na appendicitis ang ikinasawi ni Handugan matapos ma-confine sa ospital ng 20 araw.
Sinabi ni Adel na dumaan sa tamang proseso ang labi ni Handugan at hindi ito kaagad papayagang mailabas kung sa naturang nakakahawang sakit ito nasawi.
By Judith Larino