Nakapagbigay na nang paunang bayad ang San Juan City government para sa binibiling 100,000 dose ng bakuna na gawa ng AstraZeneca.
Hindi naman tinukoy ni San Juan Mayor Francis Zamora kung magkano ang nasabing halaga dahil na rin sa non-disclosure agreement sa national government at sa nasabing British Swedish drugmaker.
Tiniyak ni Zamora ang kahandaan ng city government sa pagdating ng mga nasabing bakuna kung saan halos 30,000 residente ng lungsod ang handa nang magpaturok.
Patuloy pa rin aniya ang pag iikot ng mga team ng city government sa mga barangay upang makuha ang listahan ng mga nais magpa bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).