Kadalasan ay aligaga at bantay-sarado ng mga magulang ang kanilang mga anak sa tuwing nagta-travel dahil sa takot na mawala ang mga ito. Pero ibahin niyo ang mga magulang na ito na iniwan ang menor de edad na anak sa airport dahil lang expired na pala ang Visa ng bata.
Kung ano na ang lagay ng bata, eto.
Nadiskubre ng isang babaeng staff sa Josep Tarradellas Barcelona El-Prat Airport na kinilalang si Lilian ang isang sampung taong gulang na batang lalaki na nag-iisa sa isa sa mga airport terminals.
Ayon sa video na ipinost ni Lilian, natagpuan ang bata na may hawak na dalawang passports. Ang isa ay expired, habang ang isa pa ay nangangailangan naman ng visa na hindi umano naasikaso.
Kung bakit nag-iisa ang bata? Ito ay dahil iniwan siya ng kaniyang mga magulang matapos madiskubre na expired na ang kaniyang Visa. Tumuloy umano ang mga magulang sa kanilang flight at tumawag na lang sa mga kaanak para ibilin at ipasundo ang iniwang bata.
Ayon naman sa bata, bumiyahe na umano ang kaniyang mga magulang pauwi sa kanilang bansa para magbakasyon.
Mabuti na lang at agad na umaksyon ang mga airport staff na nakakita sa bata at agarang inalerto ang mga pulis at ang piloto ng sinasakyang eroplano ng mga magulang.
Samantala, agad namang pinababa ng eroplano ang mga magulang at dinala sa police station kung saan pansamantalang pinatuloy ang bata.
Pero matapos nito ay ibinalik ang bata sa kustodiya ng kaniyang mga magulang na inireport na dahil sa child abandonment.
Sa mga magulang diyan, kung kayo ang naipit sa kaparehas na sitwasyon na ito, paiiralin niyo ba ang pagiging magulang o tutuloy kayo sa flight para lang hindi masayang ang binayaran niyo?