Inihayag ng Russia na lilisanin na nila ang International Space Station (ISS) pagkatapos ng 2024.
Lumabas ang ulat kasabay ng pagkalas ng Kremlin sa western countries matapos sakupin ng Russia ang Ukraine at makatanggap ng iba’t ibang sanction.
Ayon kay Yury Borisov, bagong head ng Russian space agency na Roscosmos sa pakikipag-usap nito kay Russian President Vladimir Putin, bagaman tutuparin ng Russia ang obligasyon sa mga partners nito, pinal na ang desisyon nilang kumalas sa ISS.
Susunod na magiging hakbang ng Russia ay pagsama-samahin ang Russian Orbitral Station.
Sa 2024 inaasahang magreretiro ang ISS, pero sinabi ng US Space Agency na mananatili itong operational hanggang 2030.