Maari na ngayon na magbigay ng kanyang informed criticism si Vice President Leni Robredo sa ‘war on drugs’ ng gobyerno.
Ito ang pahayag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya kasunod ng pagtanggap ni Robredo ng posisyon bilang co-chair ng Interagency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Malaya, magkakaroon na si Robredo ng access sa totoong status ng kampanya ng gobyerno kontra ilegal na droga kabilang na ang bilang ng nasawi sa ilalim nito.
Aniya, sa tingin niya ang mga kritismo ng pangalawang pangulo ay hindi batay sa facts o tunay na nangyayari sa grounds.
Samantala, handa naman aniya ang DILG na alalayan at bigyan ng kaukulang tulong si Robredo sakaling kailanganin nito.