Home NATIONAL NEWS Kasong plunder laban sa mag-inang Senador Loren Legarda at Batangas Representative Leandro Leviste, inihahanda na ng Ombudsman

Rightsizing program ng pamahalaan, patuloy ayon kay PBBM

by DWIZ 882 October 15, 2022 0 comment
PBBM

Nilinaw ni Pangulong Bongbong Marcos na nasa proseso pa ng transition at rightsizing program ang pamahalaan.

Ito ang naging sagot ng Presidente sa tanong kung bakit wala pa rin itong iniluluklok na ‘fulltime secretary’ ng Office of the Press Secretary (OPS).

Sa kasalukuyan, ang OPS ay pinamamahalaan ni Usec. Cheloy Garafil bilang OIC.

Ayon kay Marcos, bahagi ito ng rightsizing program at sa tamang oras ay may itatalaga sa mga nasabing posisyon.

Bukod sa OPS, bakante pa rin ang Dept. of Health (DOH) kung saan tumatayo naman bilang OIC si Usec. Maria Rosario Vergeire.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment