Naniniwala ang Malacañang na hindi pa rin hihinto ang mga kritiko ng war on drugs kahit idineklara na ng pulisya na sarado na ang kaso ng pagpatay sa drug suspect na si Michael Siaron.
Si Siaron ang nasa kontrobersyal na larawan ng mala Pietang eksena sa kalsada na sinasabing pinatay umano ng suspek na kinilalang si Nesty Santiago dahil umano sa onsehan sa droga.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, tiwala naman siyang mayorya ng mga Pilipino ang hindi naniniwala sa mga patutsada ng mga kritiko hinggil sa mga nangyayaring EJK o Extra – Judicial Killings sa bansa.
Patunay lamang ito ayon sa kalihim na wala talagang kinalaman ang PNP sa mga nangyayaring pamamaslang ng mga hindi kilalang suspek sa ilang indibiduwal na hinihinalang may kinahaharap ding kaso.