Diretsahang inilaglag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board member at DWIZ Anchor Sandra Cam si Negros Oriental rep. Arnolfo “Arnie” Teves.
Sa pagdinig ng Committee on Games and Amusement ng Kamara hinggil sa mga iregularidad sa operasyon ng Small Town Lottery (STL), tahasang tinawag ni Cam na gambling operator si Teves sa Negros Oriental.
Tinawag namang istupido ni Teves si Cam sabay hamon na magbibitiw siya sa puwesto sakaling mapatunayan ni Cam ang mga pinakawalan nitong paratang laban sa kaniya.
Kalaunan, inamin din ni Teves na minsan nga siyang naging gambling operator subalit matagal na aniya siyang tumigil sa naturang aktibidad.
Jaymark Dagala / Jill Resontoc / RPE