Nakukulangan ang Makabayan Bloc sa Kamara sa rekomendasyon ng Independent Commission for Infrastructure na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang ilang mga senador, kongresista, at opisyal na sangkot sa mga maanomalyang flood control projects.
Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, bagama’t kinikilala ng kanilang grupo ang hakbang ng ICI na matagal na dapat ginawa, hindi pa rin sapat ang kaso laban kina Senador Jinggoy Estrada at Joel Villanueva, dating Congressman Elizaldy Co, Commission on Audit Commissioner Mario Lipana, at iba pang dating opisyal, kung susuriin ang lawak ng katiwalian.
Kung titignan anya ang dami ng ebidensya, marami pang dapat mapanagot — lalo na ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan, mga padrino, at mga tunay na mastermind ng sistematikong korapsyon sa flood control.





