Tutol si Cebu City Vice Mayor Michael Rama na isailalim muli sa mas mahigpit na community quarantine ang lungsod.
Ito ay sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa at pagkakadiskubre ng dalawang bagong variant ng coronavirus disease sa Cebu na iba sa mga una nang naitala mula sa ibang bansa.
Ayon kay Rama, kinakailangan lamang magkaroon ng pagbalanse sa pagitan ng pagbubukas ng ekonomiya at kalusugan ng publiko.
Ani Rama, hindi na kakayanin pa ng lungsod ang magkaroon ng panibagong hard lockdown lalo’t tinatayang nasa mahigit P3-B pondo na ang nauubos ng lokal na pamahalaan.
Binigyang diin pa ng bise alkalde, kung wala nang kikitain ang lungsod wala na ring magagamit na pondo ang pamahalaan para matugunan ang mga usapin sa kalusugan.
Dagdag ni Rama, mahalaga rin ang pagpapalaganap ng mga impormasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagsunod ng publiko sa health protocols gayundin ng kaalaman sa bakuna at mga bagong variant ng COVID-19.
Kahit anong nangyayari in all over the country we have to be exercising freedom with responsibility. Ang gusto mo, ang economy will live up giving a little however we cannot compromise also health, babalansehin mo ‘yan, shutdown is not the answer. Kailangan it has to be fact based, evident based at saka mag-uusap lahat,” ani Rama.