Binigyang-diin ni dating Internal Revenue Commissioner, Atty. Kim Henares na mismong ang publiko ay maaaring dumulog at maghain ng reklamo sa pamahalaan kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Sa panayam ng DWIZ, ipinaliwanag ni Atty. Henares na bukod sa ahensyang may hawak ng proyekto, maaaring isampa ang reklamo sa Ombudsman o sa Commission on Audit para isagawa ang pagsisiyasat.
Dagdag pa ng dating opisyal na welcome din sa mga himpilan ang anonymous complaints, at sinabing dadaan din ito sa malalim na pagsusuri at pagberipika.
Tinukoy din ng dating BIR Chief na may kapangyarihan ang BIR na magsagawa ng motu proprio na imbestigasyon laban sa mga contractor o kumpanyang posibleng sangkot sa anomalya; maaari aniyang silipin kung tama ang kanilang pagbabayad ng buwis lalo na kung may mga indikasyong kumikita sila mula sa mga iregular na proyekto ng gobyerno.