Muling binalaan ni National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser, Dr. Ted Herbosa ang publiko sa kabila ng patuloy na pagbaba ng Coronavirus cases sa bansa.
Iginiit ni Herbosa na hindi dapat magpaka-kampante ang publiko lalo’t hindi pa nawawala ang banta ng COVID-19 kahit nasa alert level 1 o mas maluwag na restriction.
Hindi anya dapat kalimutan ang pagsusuot ng face mask, surgical mask o N-95 mask at ipagpatuloy ang pagtalima sa minimum public health standards sa gitna ng tumataas na vaccination coverage.
Pinag-iingat din ni Herbosa ang mga tao sa pagpunta sa mga crowded area dahil malaki ang tsansang kumalat ang virus sa mga ganitong lugar.
Nitong March 23 hanggang 29, nakapagtala ang Pilipinas ng karagdagang 2,651 COVID-19 cases kumpara sa 3,319 additional infections sa nakalipas na linggo.